Nakasiguro si Mojdeh ng tanso sa girls’ 200m butterfly sa bilis na dalawang minuto at 19.51 segundo.
Joey Mendoza
Mojdeh nagtala ng bagong record
Beth Repizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

SEMARANG, Indonesia — Humirit pa si Swimming Pi­nas standout Micaela Jasmine Mojdeh ng bagong Phil­ippine national junior record sa pagtatapos ng 11th Asean School Games dito.

Nakasiguro si Mojdeh ng tanso sa girls’ 200m butterfly sa bilis na dalawang minuto at 19.51 segundo.

Winasak ni Mojdeh ang kanyang dating Philippine national junior record na 2:21.14 na naitala niya sa Philippine Swimming Incorporated (PSI) Grand Prix National Finals dalawang linggo na ang nakalilipas.

Ito ang ikalawang tanso ni Mojdeh bukod sa 100m butterfly kung saan winasak niya ang kanyang national ju­nior record na 1:04.08 para bagong 1:03.60.

“Sometimes we forget that she is only 13 years old be­cause of how amazing her swims are. But we always tell her to do it one step at a time. That her road to her goal will be tested so many times,” pahayag ni Swimming Pinas team manager Joan Mojdeh.

“And that in any competitions she really never lose because she gets to gain so much through the expe­rience of competing these wonderful athletes,” dagdag nito.

Humirit din sina Phillip Joaquin Santos, Jordan Ken Lo­bos, Mervien Jules Mirandilla at Miguel Barreto ng tan­so sa boys’ 4x100m medley relay sa tiyempong 3:59.01.

Sa kabuuan, uuwi ang swimming team bitbit ang isang ginto, dalawang pilak at limang tansong medalya mu­la sa nasabing kompetisyon.

MICAELA JASMINE MOJDEH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with