^

PSN Palaro

Manny maraming puwedeng labanan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Manny maraming  puwedeng labanan
Si Pacquiao mismo ang nagpahayag na interesado si­yang makalaban ang ma­nanalo sa pagitan nina Errol Spence at Shawn Por­ter na nakatakda sa Set­yembre 28 sa Staples Cen­ter sa Los Angeles, Ca­lifornia.
MP Promotions

MANILA, Philippines — Sariwa pa sa tagumpay si reigning World Boxing Association super welterweight champion Manny Pac­quiao.

Naitarak niya ang split decision win laban kay American Keith Thurman no­ong Linggo sa MGM Grand Gar­den Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit ngayon pa lang ay pila na ang mga panga­lan na posibleng sunod na makaharap ng Pinoy champion.

Si Pacquiao mismo ang nagpahayag na interesado si­yang makalaban ang ma­nanalo sa pagitan nina Errol Spence at Shawn Por­ter na nakatakda sa Set­yembre 28 sa Staples Cen­ter sa Los Angeles, Ca­lifornia.

Hawak ni Spence ang In­ternational Boxing Fede­ration welterweight belt, ha­bang suot ni Porter ang World Boxing Council welterweight crown.

Kinumpirma pa ni Pacquiao na personal itong ma­nonood sa bakbakang Spence-Porter sa Amerika na magsisilbing scouting na rin sakaling matuloy ang laban.

“Yes, I will be going there to watch the fight,” wi­ka ni Pacquiao.

Hindi rin maalis ang pa­­­ngalan ni undefeated Ame­rican legend Floyd May­­weather, Jr. na kasalu­kuyang nasa retirement stage.

Handa si Pacquiao na harapin ito sakaling mag­pas­ya si Mayweather na mu­ling ikasa ang rematch.

“My plan this time is one fight at a time. He’s (May­weather) in retirement and he’s enjoying his retirement. He’s inactive. If he’s willing to come back and willing to fight me, then at the time he will announce it, we can say yes,” ani Pac­quiao.

Enero ang target date ni Pacquiao na magbalik sa aksyon.

Para naman kay Hall of Famer Freddie Roach, nais niyang pagtuunan muna ni Pac­­quiao ng pansin ang kan­yang pamilya kasabay ng magarbong pahinga.

Sumailalim sa matin­ding training camp si Pacquiao at napalaban nang husto kay Thurman.

“Manny can go away and rest and we'll think about it later on. We need to see what's out there,” ani Roach.

Aminado rin si Roach na malabo pa sa ngayon ang Pacquiao-Mayweather 2 dahil nakasalalay ang de­sisyon kung magbabalik-aksyon si Mayweather.

“I can't see it. Floyd's retired and his people say there is no interest. But there will be other options,” dagdag ni Roach.

Napansin niyang ba­hag­yang napapagod si Pac­quiao sa kalagitnaan ng bawat round subalit ma­bilis itong nakakabalik sa porma.

“I think he showed that there's plenty of boxing left in him, even if he is in his 40s. Manny never gets tired in the gym, but he got tired in the middle rounds,” wi­ka ni Roach.

vuukle comment

KEITH THURMAN

MANNY PAC­QUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with