Sasagupain ng No. 4 Gin Kings ang No. 5 Magnolia Hotshots ngayong alas-4:30 ng hapon sa Game Two ng kanilang best-of-three quarterfinals showdown sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
PBA images
Ginebra, Rain or Shine hangad umabante sa semifinals series
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala nang balak maglaro ang mga Gin Kings at Elasto Painters sa Huwebes.

Kaya naman inaasahang ilalabas ng Barangay Ginebra at Rain or Shine ang kanilang mga alas para tuluyan nang wakasan ang sari-sarili nilang quarterfinals series.

Sasagupain ng No. 4 Gin Kings ang No. 5 Magnolia Hotshots ngayong alas-4:30 ng hapon sa Game Two ng kanilang best-of-three quarterfinals showdown sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa alas-7 ng gabi ay muli namang magtutuos ang No. 6 Elasto Painters at No. 3 Blackwater Elite.

Kumolekta si resident import Justin Brownlee ng 20 points, 16 rebounds at 5 assists at nagdagdag si Fil-Am guard Stanley Pringle ng 18 markers sa 85-79 panalo ng Ginebra kontra sa Magnolia sa Game One.

 “We have to handle it better on Tuesday, and make sure we are better prepared,” wika ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone.

Ang mananaig sa pagitan ng Gin Kings at Hotshots ang haharap sa mananalo sa quarterfinals match ng No. 1 TNT Katropang Texters at No. 8 Alaska Aces para sa best-of-five se­mifinals showdown.

“We’ve still got a mission. We’re still playing hard. We’re looking forward to the next game,” wika naman ni Pringle. “We’ll keep going.”

Bukod kina Brownlee at Pringle, muli ring sasandal ang Ginebra kina LA Tenorio, Scottie Thompson, Greg Slaughter at Japeth Aguilar katapat sina dating NBA pla­yer Rakeem Christmas, Paul Lee, Mark Barroca, Ian Sangalang, Jio Jalalon at Mark Pingris ng Magnolia.

Inangkin ng Aces ang 108-72 panalo kontra sa Tropang Texters, may hawak na 'twice-to-beat' advantage, noong Linggo para makapuwersa ng 'sudden death' game bukas sa Big Dome.

Sa ikalawang laro, determinado din ang Rain or Shine na tapusin ang kanilang serye ng Blackwater matapos ilu­sot ang 83-80 panalo tampok ang game-winning three-point shot ni shooting guard Rey Nambatac sa natitirang 2.3 segundo sa Game One.

Makakatapat ng mananalo sa serye ng Elasto Pain­ters at Elite ang mananaig sa quarterfinals wars ng No. 2 NorthPort Batang Pier at No. 7 San Miguel Beermen sa semis series.

Umiskor ang Beermen ng 98-84 panalo laban sa Ba­­tang Pier, may bitbit na 'twice-to-beat' edge, para ma­­kahirit ng 'do-or-die' game.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP ELASTO PAINTERS GIN KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with