Marvin sumuntok ng tiket sa quarters
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang agresibong third-round knockout win ang ini­rehistro ni Southeast Asian Games gold champion John Marvin para ma­kahirit ng tiket sa quarter­finals ng men’s flyweight di­vision sa 2019 Thailand Open In­ternational Boxing Champion­ship na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Inilabas ni Marvin ang bu­o niyang lakas para pa­tum­ba­hin si Assaghir Mo­hamm­aed ng Morocco at ma­katiyak ng puwesto sa Round-of-8 ng torneo.

Sunod na makakaharap ni Marvin si Zhang Jilei ng China, umiskor ng 5-0 pa­nalo laban kay Ganesh Pradhan ng Ne­pal.

Muling nalagasan ang pambansang koponan ma­tapos mapatalsik sa kon­ten­­syon si Marvin Tabamo sa men’s flyweight class.

Nakatikim si Tabamo ng 0-4 kabiguan kay Rajab Oto­kile Mahommed.

Nakatakdang labanan ni ban­tamweight Ian Clark Bau­­tista si Jack Denahy ng Australia at makakatapat ni 2014 World Championship silver me­da­list Nesthy Petecio si Tu­murkhuyag Bo­­lortuul ng Mongolia sa se­­­cond round.  

2019 THAILAND OPEN IN­TERNATIONAL BOXING CHAMPION­SHIP JOHN MARVIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with