Isang mabagsik na Thur­man ang natungha­yan ng buong sambaya­nan ba­­go ang laban.
AFP
Keith naging maamong tupa matapos matalo
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbago ang aura ni American Keith Thurman ma­tapos ang laban.

Isang mabagsik na Thur­man ang natungha­yan ng buong sambaya­nan ba­­go ang laban.

Ngunit tila naging isang ma­among tupa ito matapos lasapin ang bagsik ng kamao ni WBA super at regular welterweight champion Manny Pacquiao kahapon sa MGM Grand Garden Are­­na sa Las Vegas, Ne­va­da.

Magaang na tinanggap ni Thurman ang pagkatalo nito.

Nagawa pang yakapin ni Thurman si Pacquiao nang tumunog ang final ring bilang respeto sa Pinoy bo­xing legend.

Tanggap ni Thurman ang naging resulta ng laban at naniniwala siyang ka­rapat-dapat manalo si Pac­quiao.

“I knew it was too close. He got the knockdown so he had momentum in round one. This was a beautiful night of boxing. I wish I had a little bit more out­put to go toe to toe. I felt like he was getting a little bit tired, but he did have ex­perience in the ring,” ani Thurman.

Makailang ulit na naglabas ng maaanghang na statement si Thurman bago ang laban.

Inihayag pa nitong handa siyang pagretiruhin sa boksing si Pacquiao.

Buburahin niya umano ang pangalan ni Pacquiao ma­tapos ang laban.

Ngunit lahat ng ito ay hin­di natupad.

Uuwing luhaan si Thurman na wala nang korona matapos maagaw ni Pacquiao ang kanyang WBA su­­per welterweight belt.

“My numbers just we­ren't up to par to be victorious tonight,” ani Thurman. “The fight just flew by. I knew I had to do something big in the later rounds but he was just too good.”

Gayunpaman ay nais pa rin ni Thurman na mag­ka­­roon ng rematch.

“I would love the rematch,” ani Thurman.

Ngunit maugong ang ba­litang makakasagupa ng Pinoy champion si Amir Khan sa kanyang susunod na laban.

KEITH THURMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with