Ibinulsa ni Mojdeh ang tanso sa girls’ 100m butter­fly matapos isumite ang isang minuto at 3.60 segundo – sapat para burahin ang Philippine record na 1:04.08 na kanya ring na­kuha sa 2019 Philippine Swimming Incorporated (PSI) Grand Prix National Championship may dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan.
Mojdeh nagtala ng bagong Philippine record
Beth Repizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

SEMARANG, Indonesia — Nagningning si Swimming Pinas ace Mica­ela Jas­mine Mojdeh matapos mag­tarak ng bagong Philip­pine national junior record sa 11th Asean School Games na ginaganap sa Ja­tidiri Sports Complex dito.

Ibinulsa ni Mojdeh ang tanso sa girls’ 100m butter­fly matapos isumite ang isang minuto at 3.60 segundo – sapat para burahin ang Philippine record na 1:04.08 na kanya ring na­kuha sa 2019 Philippine Swimming Incorporated (PSI) Grand Prix National Championship may dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan.

“It was really such a close race. That I almost fain­ted praying so hard that she keeps on the fighting heart alive coming from her 400 IM swim that she gave all her best also lowering her time by five seconds and coming back couple of minutes and swimming again and getting that bronze in the 100 fly and brea­king her own Junior Ph re­cord she set two weeks ago only,” wika ni Swimming Pinas team manager Joan Mojdeh.

Nasikwat ni Louise Bendix ng Malaysia ang ginto nang maglista ng 1:02.28, habang napasakamay ng isa pang Malaysian na si Kee­sha Ho ang pilak mula sa oras na 1:03.46.

Ito ang unang medalya ni Mojdeh sa internatio­nal competition sa labas ng Philippine Swimming League at Swimming Pinas.

“Her smile upon tou­ching that touchpad was so priceless that as if she really broke the world record because she knows that 3rd is really hard fought and she un­derstood that she has to fight the Asean School Games one step at a time. We cried really getting that bronze is like winning the gold already,” ani Joan.

Nagdagdag naman ng pilak na medalya si Miguel Barreto na pumangalawa sa boys’ 200m freestyle ma­karaang magtala ng 1:54.83, habang nangibabaw si Khiew Hoe Yean ng Ma­laysia na may nairehistrong 1:53.25.

Sa kabuuan ay mayro­on nang nahakot na dalawang pilak at dalawang tansong medalya ang Pilipi­nas sa nasabing swimming competition ng annual meet.

MICA­ELA JAS­MINE MOJDEH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with