Bumaligtad si TNT Katropa guard Ryan Reyes ma­tapos sumabit sa balikat ni Chris Banchero ng Alaska.
Kuha ni Jun Mendoza
Aces dumiga ng knockout sa Texters
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

Laro Bukas: (Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Magnolia vs Ginebra

7 p.m. Rain or Shine vs Blackwater

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagkawala sa laro ni dating NBA player Terrence Jones dahil sa depensa ni Carl Bryan Cruz ay ang kabiguan ng Tropang Texters na kaagad umabante sa semifinal round.

Nagposte ang No. 8 Alaska ng 27-point lead sa third period patungo sa 108-72 paggupo sa No. 1 TNT Katro­pa sa kanilang quarterfinals duel sa 2019 PBA Commis­sioner's Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta si import Diamon Simpson ng 15 points, 19 rebounds, 4 blocks, 4 assists at 2 steals para tapusin ang eight-game winning streak ng PLDT franchise.

Umiskor din si Jeron Teng ng 15 markers kasunod ang tig-14, 13 at 11 points nina Simon Enciso, Chris Ban­­chero, Vic Manuel at Cruz, ayon sa pagkakasunod.

Pinikon ni Cruz si Jones para maitakda ng Aces ang ‘do-or-die’ game kontra sa Tropang Texters, may ha­wak na ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, sa Miyerkules sa Big Dome.

Tumapos si Jones na may 19 points mula sa malam­yang 6-of-13 fieldgoal shooting.

“I think a big part of it is missed shots they normally make. These games happen,” ani coach Alex Compton..

Nagmula ang Alaska sa 108-103 overtime win laban sa Meralco sa kanilang playoff game noong Biyernes pa­ra makaharap ang TNT Katropa sa quarterfinals.

Itinayo ng Aces ang 11-point lead sa pagbungad ng second period bago nakadikit ang Tropang Texters sa 33-34 sa pamumuno nina Jayson Castro at Troy Rosario sa 6:57 minuto nito.

Isang 19-4 bomba naman ang inihulog ng Alaska  tampok ang three-point shot ni Enciso para muling makalayo sa 53-38 sa huling 15.4 segundo bago ang halftime.

Nabaon pa lalo ang TNT Katropa sa 85-58 sa nala­la­bing 48 segundo ng third period kasunod ang itinawag na F1 flagrant foul penalty 1 kay Jones matapos itulak sa leeg si Cruz sa pagtiklop ng nasabing yugto.

Nagdesisyon si coach Bong Ravena na huwag nang iba­lik si Jones sa final canto.

Alaska 108 - Teng 15, Simpson 15, Enciso 14, Ban­chero 14, Manuel 13, Cruz 11, Casio 8, Racal 7, Galliguez 5, Baclao 2, Exciminiano 2, Ayaay 2, Thoss 0, Pascual 0.

TNT Katropa 72 - Castro 23, Jones 19, Rosario 9, Taha 5, Reyes 4, Magat 4, A. Semerad 3, Heruela 2, Pogoy 2, Trollano 1, D. Semerad 0, Golla 0, Wa­shington 0, Casiño 0.

Quarterscores: 27-18; 53-41; 89-60; 108-72.

ACES VS TEXTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with