_ngayon
^
Mommy Dionisia may gagawing âorasyonâ
Personal ding ma­no­no­od ang kontrobersyal na si Mommy Dionisia na uma­­asang matatapos ang la­ban na walang anumang prob­lema sa kalusugan ng kan­yang anak.
facebook

Mommy Dionisia may gagawing ‘orasyon’

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang iba kundi ang pamilya Pacquiao ang numero unong supporters ni reigning World Boxing Association regular welterweight king Manny Pacquiao sa pagsagupa niya kay American fighter Keith Thurman.

Nangunguna sa listahan si Jinkee Pacquiao na ami­nadong may kabang nararamdaman sa dibdib, ngu­nit tiwala siyang makukuha ng kanyang pamosong asawa ang tagumpay kontra kay Thurman.

“Nakita ko na talagang maganda ang naging trai­ning ni Manny ngayon kumpara be­fore. Para sa ating bayan ang laban na ito at para kay Lord. Nanini­wala ako na sa­­samahan si­ya ni Lord sa laban niya,” wi­ka ni Jinkee.

Personal ding ma­no­no­od ang kontrobersyal na si Mommy Dionisia na uma­­asang matatapos ang la­ban na walang anumang prob­lema sa kalusugan ng kan­yang anak.

“Idinadalangin naming lahat ang kanyang panalo at alam kong hindi kami ma­bibigo at mananalo si­ya,” ani Mommy Dionisi, hin­di nilinaw kung mayroon siyang dadalhing pampa­su­werte sa mismong laban.

Matatandaang nag-viral ang video ni Mommy Dio­ni­sia sa laban ni Pacquiao kontra kay Timothy Bradley, Jr. no­ong Abril 2014 kung saan nakita siyang nagdarasal habang nakaturo sa ring.

Napagkamalan pa siya ng ilang netizen na may isi­­nasagawang orasyon ha­bang nagaganap ang na­sabing Pacquiao-Bradley fight.

Nagbigay din ng komento ang panganay na anak ni Pacquiao na si Jimuel na na­silayang sumasabay sa trai­ning camp ng eight-division world champion.

“I saw my dad trained even during his camp in Manila up to LA and I think he’s stronger now and faster than his previous fights. I joined him working the mitts with coach Freddie Roach at the Wild Card and I felt the power of his punches,” sa­bi ni Jimuel.

MOMMY DIONISIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with