Nalasap ng Sta. Lucia ang ika-­siyam na sunod na ka­bi­guan matapos ang ope­­ning day win.
Ernie Peñaredondo
HD Spikers dinomina ang Lady Realtors
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinuhos ng Cignal ang kanilang ngitngit sa Sta. Lu­cia Realty matapos iselyo ang 25-8, 25-16, 25-22 pa­nalo upang makabalik sa porma sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Isang all-around game ang inilatag ni Fil-Am playmaker Alohi Robins-Hardy nang magtala ng 10 points galing sa 5 attacks, 4 aces at 1 block kasama pa ang 12 excellent digs at 8 sets.

Nakatuwang ni Robins-Hardy sina national team member Mylene Paat at dating De La Salle University standout May Luna na kumana ng importanteng mga puntos upang tulu­ngan ang HD Spikers na ma­kuha ang ikaapat na pa­nalo sa siyam na laro.

“We just focused on every point. If we made a mistake and didn’t get a point, on to the next. We also did great in the service line probably one of our best serving matches,” sabi ni Robins-Hardy.

Magandang bawi ito para sa Cignal na umani ng masaklap na five-set loss sa reigning champion no­ong Huwebes.

Nalasap ng Sta. Lucia ang ika-­siyam na sunod na ka­bi­guan matapos ang ope­­ning day win.  

CIGNAL PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE STA. LU­CIA REALTY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with