Si Manny Pacquiao sa isang television interview kahapon.
Wendell Alinea/MP Promotions
Pacquiao walang problema
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2019 - 12:00am

Sa gagawing weigh-in para sa laban nila ni Thurman

MANILA, Philippines — Pasok na pasok ang tim­bang ni reigning World Boxing Association regular welterweight champion Manny Pacquiao isang araw bago ang offi­cial weigh-in sa kanilang uni­fi­ca­tion bout ni Keith Thur­man bukas.

May 146 pounds na tim­­­bang sa kasalukyan si Pac­quiao kaya’t walang du­­dang papasok siya sa 147-pound weight limit sa official weigh-in ngayon sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

 “As we’ve been saying three weeks yet before we came here, Manny was al­ready in top fighting form and ready to mix it up. That’s how it was when we left L.A. Monday and that’s how it is now, four days after we arrived here and two days before the fight,” wika ni Hall of Famer Freddie Roach.

Kasado na ang game plan ni Pacquiao.

Ayon kay Roach, may sa­got si ‘Pacman’ sa lahat ng posibleng gawin ni Thurman – makipagsabayan man ito o tumakbo takbo sa loob ng ring.

“He can do whatever he wants. If he decides to fight, we’re ready for it. If he runs, we’ll chase him,” ani Roach.

Nasa perpektong kon­dis­yon na si Pacquiao ka­ya’t mapanganib ang bawat bibitawan nitong suntok.

 “Well, Manny’s now 100 percent in peak shape. We would have liked that he reaches that at the day of the fight itself, but we won’t mind it happened earlier,” wika ni Roach.

Kagaya ng orihinal na plano, magkakaroon ng sapat na pahinga si Pacquiao bago ang laban.

Sinabi ni chief trainer Buboy Fernandez na kaila­ngan ito ni Pacquiao para ma­siguro na fully-recovered ang kanyang katawan sa fight day.

KEITH THUR­MAN MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with