^

PSN Palaro

Aces sinibak ang Bolts sa playoff; lalabanan ang Texters sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Aces sinibak ang Bolts sa playoff;  lalabanan ang Texters sa quarters
Naisuko man ang itina­yong 13-point lead sa third period ay tinalo pa rin ng Aces ang Meralco Bolts sa overtime, 108-103, sa ka­nil­­ang playoff para sa No. 8 seat sa quarterfinals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Ang Alaska ang hahamon sa top seed TNT Katropa sa quarterfinals.

Naisuko man ang itina­yong 13-point lead sa third period ay tinalo pa rin ng Aces ang Meralco Bolts sa overtime, 108-103, sa ka­nil­­ang playoff para sa No. 8 seat sa quarterfinals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Kinuha ng Alaska ang 56-43 abante bago naka­habol ang Meralco at na­pun­ta ang laro sa extra period.

Bilang No. 8 ay lalaba­nan ng Aces ang No. 1 Ka­tropang Texters, may bit­bit na ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Samantala, lalabanan  ng No. 4 Barangay Ginebra ang No. 5 Magnolia ngayong alas-6:45 ng gabi sa Game One ng kanilang best-of-three quar­terfinals series sa MOA Arena.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay sisimulan din ng No. 3 Blackwater at No. 6 Rain or Shine ang ka­ni­lang sariling quarterfinals duel.

Nauna nang binigo ng Gi­­nebra, ang nagdedepensa sa korona, ang Magnolia, 102-81, sa eliminasyon.

“It doesn’t take a lot of motivation to get ready for a Manila Clasico. And ob­viously, it’s the playoffs so it’s times two,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa pagsagupa ng kanyang Gin Kings sa Hotshots.

Nasa three-game winning run ang Ginebra, habang nahu­log ang Magno­lia sa apat na sunod na ka­­malasan ang huli ay sa 83-98 pagyukod sa TNT Ka­tropa na nagtam­pok sa debut game ni dating NBA player Ra­keem Christmas.

vuukle comment

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP

ALASKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with