Go For Gold Philippines godfather Jeremy Go
Guinness World record sisirain ng mga Pinoy
(Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala si Go For Gold Philippines godfather Jeremy Go na makakakita si­ya ng halos 10,000 Pinoy na babasag sa Guinness World Record para sa pinakamaraming bilang ng mga taong nagdidribol nang sabay-sabay.

Nakatakda bukas ng alas-4 ng hapon ang tangkang pagsira sa nasabing record sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.

“Being a SEA Games year, we want to be able to encourage a lot of Filipinos to be active in supporting sports and our national athletes,’’ wika ni Go.

Ang mga gustong lu­mahok ay maaaring mag­pa­lista sa www.goforgoldworldrecordattempt.com o du­miretso sa venue para ma­kakuha ng libreng jersey mula sa Go for Gold.

Ang pagpaparehistro ay magsisimula sa alas-2 ng hapon.

Ang record na 7,556 dribblers ay naitala noong Hulyo 22, 2010 sa event na inorganisa ng United Na­tions Relief and Works Agency sa Rafah, Gaza Strip sa Palestine.

Kumpiyansa si Go na ka­ya ng mga Pinoy na mag­tala ng panibagong Guinness World record.

GUINNESS WORLD RECORD JEREMY GO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with