Real Gold at Boss Emong aabangan sa 3rd Leg ng Triple Crown
MANILA, Philippines — Inaasahang mag-uunahan ang Real Gold at Boss Emong para sa korona ng third leg ng Philippine Racing Commission Triple Crown Series na pakakawalan sa Linggo sa MetroTurf Racing Complex.
Ang bakbakan ng first-leg winner na Real Gold (jockey JP A Guce) na pagmamay-ari ng C & H Enterprise at second-leg ruler na Boss Emong (jockey Dan Camañero) ni Edward Vincent Diokno ang inaabangan sa karera.
Pero maaari pang may makasingit, ayon kay Diokno.
Bukod sa Boss Emong at Real Gold, makikipag-agawan din sa premyong P1.8 millyon sa nasabing 2,000-meter race ang My Jopay (owner Moises Villaseñor, jockey Pat R. Dilema); Shanghai Grey (Melanie Habla, JB Hernandez); Sir Joaquin (Juanito Tionloc, JT Zarate) at My Dad Bogart (Renato Virata, MP Laloma).
Ang My Jopay, nakasali na sa first at second leg ng serye, ay may tsansang manalo sa third leg.
Maaari namang makagawa ng sorpresa ang My Dad Bogart at Sir Joaquin.
Ang huling kabayong nagwagi ng Triple Crown ay ang Sepfourteen ng SC Stockfarm noong 2017 at ang Kid Molave ni Emmanuel Santos noong 2014.
- Latest