^

PSN Palaro

Cargo movers hinataw ang ika-8 panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cargo movers hinataw ang ika-8 panalo
Pilit inilusot ni Aby Maraño ng F2 Logistics ang kanyang matulis na spike laban kay Andrea Marzan ng Sta. Lucia.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang F2 Logistics nang ilam­pa­so ang Sta. Lucia Realty, 25-22, 25-3, 25-12, para ma­natiling malinis ang ka­nilang rekord sa 2019 Phi­lippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Nagpakawala si Fi-Am Ka­lei Mau ng 13 points tampok ang 12 attacks at 15 digs, habang kumana naman si dating MVP Ara Galang ng 11 markers mu­la sa siyam na attacks at dalawang blocks kasama pa ang 15 digs para pamu­nuan ang Cargo Movers sa pagkopo ng ikawalong su­nod na panalo.

“We just got to make sure that we start strong. Once we get the rhythm, once we get the momentum I think we’re pretty hard to crack so that’s one thing that we’re gonna focus on in the next few games,” sa­bi ni Mau.

Nag-ambag si Majoy Ba­ron ng siyam na puntos kabilang ang limang blocks, habang nakalikom si libero Dawn Macandili ng 24 digs at pitong receptions para sa F2 Logistics.

Nagbaon ng 43 attacks ang Cargo Movers laban sa 26 lamang ng Lady Realtors.

Nakakuha pa ang F2 Lo­gistics ng 9-3 edge sa blocks at 8-4 bentahe sa ser­vice area.

May 15 libreng puntos pa ang Cargo Movers mula sa errors ng Lady Realtors.

Gayunpaman ay hindi kuntento si Galang sa mabagal na simula ng kanilang tropa kung saan nabaon ang Cargo Movers sa 10-19 sa first set.

Masuwerte at mabilis na nakabalik sa porma ang Cargo Movers sa likod ni­na Galang, Mau at Aby Ma­raño na siyang nanguna sa 12-2 run ng tropa upang makuha ang panalo.

Lumasap naman ang Sta. Lucia ng ikawalong sunod na kabiguan tangan ang 1-8 marka.

vuukle comment

PHI­LIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with