Si Manny Pacquiao sa kanyang abdominal workout sa UNLV.
Wendell Alinea/MP Promotions
Pacquiao tuloy na ang laban kay Khan sa Nobyembre?
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni reig­ning World Boxing Council welterweight champion Amir Khan na kasado na ang laban niya kay Manny Pacquiao sa Nobyembre sa Saudi Arabia.

Pormal nang inihayag ni Khan na nalagdaan na ni­ya ang kontrata para ma­­kaharap ang reigning World Boxing Association re­gular welterweight champion na si Pacquiao.

Base sa kontrata, sa Nob­­yembre 8 ang laban, ayon sa British boxer.

“Signed off and done, to get Manny Pacquiao is amazing,” ani Khan sa Bri­tish radio station TalkSport.

Ngunit nakasentro pa ang atensyon ni Pacquiao sa unification bout laban kay WBA super welterweight titlist Keith Thurman sa Linggo sa MGM Grand Gar­den Arena sa Las Vegas, Nevada.

Wala pang sagot si Pac­quiao dahil nais niyang pagtuunan ng pansin ang Thurman fight.

Nauna nang inihayag ni Pacquiao na wala pa sa isip ni­ya ang pagreretiro dahil itinuturing na niyang bahagi ng kanyang buhay at dugo ang salitang boksing.

“I just want to maintain my name in the top of bo­xing and continue my career. I already accom­plished what I want to ac­com­plish in boxing. I’m continuing my career because bo­xing is my passion,” ani Pacquiao.

Sa kabilang banda, hin­di ito ang unang pagkaka­ta­on na masisilayan sa ak­syon si Khan sa Saudi Ara­bia.

Noong nakaraang linggo ay matagumpay na nakopo ni Khan ang bakanteng WBC welterweight crown matapos itarak ang fourth-round knockout win kay Australian Billy Dib sa King Abdullah Sports City sa Jeddah.

"To have him sign that dotted line is brilliant. No matter how he does against Thurman I still think it's a big fight,” ani Khan.

Hindi na bago ang pa­ngalan ni Khan sa Team Pac­quiao dahil makailang ulit na itong naging sparring partner ng Pinoy champion  sa kanyang mga nakalipas na laban.

Bukas na bukas ang ko­munikasyon ng dalawang kampo kaya’t hindi ma­­layo ang posibilidad na ma­­tuloy ito.

Isang opisyal na anunsyo mula sa Team Pacquiao na lamang ang kaila­ngan para mamarkahan ang panibagong labang ha­­harapin ng tinaguriang Pam­bansang Kamao.

AMIR KHAN MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with