Walang makatibag sa F2 Logistics na nakumpleto ang seven-game sweep sa first round ng eliminasyon upang solong okupahan ang No. 1 spot.
facebook
F2 pakay ang ika-8 panalo laban sa SLR
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ng F2 Logistics na maipagpatuloy ang ma­tikas na ratsada sa pagsa­gu­pa sa Sta. Lucia Realty sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang pukpu­kan ng Cargo Movers at Lady Realtors ngayong alas-2 kasunod ang mga laro ng reigning champion Petron at Cignal sa alas-4:15 at ng PLDT Home Fibr at Foton sa alas-7 ng gabi.

Walang makatibag sa F2 Logistics na nakumpleto ang seven-game sweep sa first round ng eliminasyon upang solong okupahan ang No. 1 spot.

Asahan ang mas matinding puwersang ilalatag ng Cargo Movers sa second round na mas importanteng estado ng torneo dahil dito magkakaalaman sa pu­­wes­tuhan sa quarterfi­nals.

Kagaya ng dati, ma­man­duhan ni Fil-Am outside hitter Kalei Mau ang opensa ng Cargo Movers ka­sama sina dating MVP Ara Ga­­lang, middle hitter Aby Ma­raño at opposite spi­ker Kim Kianna Dy.

“Hindi mahalaga iyong re­­­cord. Mahalaga ‘yung con­­­fidence namin na ma-build,” ani Cargo Mo­vers’ coach Ramil de Jesus.

Ang Lady Realtors ay nasa seven-game lo­sing slump.

Hahataw para sa Sta. Lu­­cia sina Amanda Villa­nue­va at Pam Lastimosa, middle blockers Rachel Aus­tero at Joy Dacoron, at si Roselle Baliton.  

F2 LOGISTICS STA. LUCIA REALTY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with