Makakatapat ng Red Lions ang Generals nga­yong alas-4 ng hapon matapos ang laro ng SBU Red Cubs at EAC Brigadiers sa alas-2 ng hapon sa juniors’ division.
SBU Red Lions gustong magsolo
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Asam ng ‘three-peat ‘champions San Beda Red Lions na muling masolo ang liderato, habang ha­ngad ng Emilio Aguinaldo Ge­nerals ang ikalawang sunod na panalo sa Season 95 NCAA basketball men’s tournament “Campus On Tour” sa EAC Gym sa San Marcelino, Manila.

Makakatapat ng Red Lions ang Generals nga­yong alas-4 ng hapon matapos ang laro ng SBU Red Cubs at EAC Brigadiers sa alas-2 ng hapon sa juniors’ division.

Magkasosyo sa liderato ang Red Lions, San Sebastian Stags at St. Benilde Bla­­zers sa parehong 2-0 kar­­­tada kaya kung masu­sungkit ng Mendiola-based team ang ikatlong sunod na pa­nalo ay muli silang aak­yat sa solo top spot.

Tinalo ng Red Lions ang Arellano Chiefs, 59-46, na si­nundan ng 74-52 pa­­­nalo laban sa Jose Rizal Heavy Bom­bers kung saan umiskor sina James Canlas at Calvin Of­tana ng tig-17 points.

EMILIO AGUINALDO GE­NERALS SAN BEDA RED LIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with