Sina Manny Pacquiao at trainer Buboy Fernandez sa training camp.
Kuha ni Wendell Alinea/MP Promotions
Pacquiao ipapahinga bago ang bakbakan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Engrandeng pa­­hinga ang ibibigay kay Filipino world eight-di­vision champion Man­ny Pacquiao bago sa­gupain si Keith Thurman sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay strength and conditioning expert Justin Fortune, importanteng mag­karoon ng sapat na pa­hinga si Pacquiao para ma­panatili ang sariwang kon­disyon nito sa oras na ma­kaharap si Thurman.

“Manny will be having a good rest before the fight,” wi­ka ni Fortune.

Sumailalim sa matin­ding training camp ang reig­­ning World Boxing As­so­­ciation regular welterweight king kaya’t malaki ang magiging papel ng sa­pat na pahinga para ma­kabawi ang katawan ni Pac­quiao.

“He had a terrific, rig­o­rous camp running the road and taking the gym. He, in­deed, needs the break now that he had achieved what we wanted him to achieve,” ani Fortune.

Hindi naman makikita ang kapa­guran sa aura ni Pacquiao.

Tumakbo pa siya sa Griffith Park kasunod ang apat na rounds ng sparring sessions sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California ba­go tumulak patungong Las Vegas kasama ang buong delegasyon ng Team Pacquiao.

Gusto pa sana ni Pacquiao na mahigit sa apat na rounds ang gawin nito.

Subalit pinigilan lamang siya ng coaching staff para makaiwas sa anumang injury o labis na pagkapagod.

Sumusunod lamang si­na Fortune, Freddie Roach at chief trainer Buboy Fernandez sa itinakdang trai­ning program – walang la­bis, walang kulang.

“In balancing my body con­ditioning, my mind, and how I work hard, it depends on how I focus and work hard in training. Right now, I still hunger and I’m still en­joying this and happy to do a training preparation for the fight,” ani Pacquiao.

MAN­NY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with