^

PSN Palaro

Altas, Blazers at Stags sasabit sa liderato

Pilipino Star Ngayon
Altas, Blazers at Stags sasabit sa liderato
Kahit nakadapa na pilit pa ring kinuha ni Kim Aurin ng Perpetual Help ang bola laban kay Cyril Gonzales ng Mapua habang nakaabang si Altas’ Jielo Razon.
Francisco Cagape

MANILA, Philippines — Ang muling umakyat sa sosyohan sa liderato ang asam ng St. Benilde Bla­zers, Perpetual Help Altas at San Sebastian Stags sa magkakahiwalay na laban ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Tangan ang 1-0 win-loss kartada, haharapin ng SSC-R Stags ang Mapua Cardinals (0-1) sa alas-2 ng hapon pagkatapos ng pagtatagpo ng Letran Knights (1-1) at Jose Rizal Heavy Bombers (0-2) sa alas-12 ng tanghali.

Inaasahan naman ang magandang laban sa pagitan ng Perpetual Help Altas (1-0) at St. Benilde Blazers (1-0) sa ikatlong laro ng seniors division sa alas-4 ng hapon.

Pawang magkasos­yo ang  Blazers, Altas at Stags sa ikalawang puwesto matapos magtagumpay sa una nilang laro para sa parehong 1-0 win-loss kartada sa likuran ng solo leader at three-peat champion San Beda Red Lions na hawak ang 2-0 card.

Ang mananalo sa laban ng Altas at Blazers ay aangat sa sosyohan sa liderato kasama ang Red Lions at Stags kung magwawagi ang tropa ni coach Egay Macaraya laban sa Cardinals.

Muling sasandal si Perpetual Help coach Frankie Lim kina Rey Peralta, Edgar Charcos Jielo Razon at Ben Adamos na nag-ambag ng kabuuang 54 puntos sa kanilang 80-78 panalo laban sa Mapua noong Hulyo 9.

Sigurado namang itatapat ni Blazers coach TY Tang sina James Pastu­ran, Justin Gutang, Unique Nabua at Ladis Le­palam na nagsanib puwersa ng kabuuang 50 puntos sa una nilang laro, 69-66 kontra sa EAC Generals noong Hul- yo 9 rin. 

vuukle comment

PERPETUAL HELP ALTAS

SEASON 95 NCAA BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with