^

PSN Palaro

Blackwater ibabalik si Smith

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para palakasin ang ka­nilang tsansa sa quarterfinal round ay ibabalik ng Blackwater ang naging import nila dalawang taon na ang nakakalipas.

Ipaparada ng Elite si Greg Smith, naglaro sa kanila noong 2017, para palitan si Staphon Blair sa pagpasok ng quarterfinals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Sabado.

Inangkin ng Blackwater (7-4) ang No. 3 berth sa quarterfinals at posibleng makakatapat ang alinman sa San Miguel (5-5) o Rain or Shine (5-6) sa best-of-three series.

Sinasabing nagkaroon si Blair ng knee injury sa kanilang kabiguan laban sa TNT Katropang Texters (9-1) kaya tinapik ng Elite si Smith, nauna nang ikinunsiderang papalit kay Alex Stepheson.

Naglaro ang 28-anyos na si Smith sa NBA para sa Houston Rockets at Minnesota Timberwolves bago kumampanya sa Puerto Rico.

Sa kanyang paggiya sa Blackwater noong 2017 ay tumapos na may 3-8 baraha ang koponan at nabigong makapasok sa quarterfinals.

Nakatakdang labanan ng Beermen ang nanga­nganib na Meralco Bolts (3-7) bukas ng alas-4:30 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Tropang Texters at Magnolia Hotshots (5-5) sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP

BLACKWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with