Sa unang pagkaka­taon ay makakasama ang 6-foot-11 na si Blatche ng Nationals sa kanilang pagpapapawis ngayong gabi sa Meralco Gym kung saan posibleng ihayag ni national coach Yeng Guiao ang final line-up.
Blatche sasabak na sa Gilas practice
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos dumating noong Sabado ng umaga ay kaagad na sasabak si naturalized player Andray Blatche sa ensayo na magdedetermina sa kanyang kondisyon para sa pagsalang ng Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup.

Sa unang pagkaka­taon ay makakasama ang 6-foot-11 na si Blatche ng Nationals sa kanilang pagpapapawis ngayong gabi sa Meralco Gym kung saan posibleng ihayag ni national coach Yeng Guiao ang final line-up.

“We are excited to see a full Gilas Pilipinas roster who will be ready to fight for flag and country,” sabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president  Al Panlilio sa pagdating ni Blatche.

Lalahok ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa China.

Kasama ng Pilipinas sa Group D ang Serbia, Italy at Angola.

“Our goal now is to compete and win against world class teams in our bracket that includes Serbia, Italy, and Angola and, hopefully, progress,” ani Panlilio.

Makakasama ni Blatche sa ensayo ng Nationals sina Gabe Norwood, Troy Rosario, RR Pogoy, JP Erram, Raymond Almazan, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Paul Lee, Mark Barroca, Matthew Wright, Kiefer Ravena at rookies Robert Bolick at CJ Perez.

Sa Agosto 4 ay magtutungo ang koponan sa Spain para sa isang mini pocket tournament kalaban ang Spanish national team, Congo at Cote D’Ivoire.

ANDRAY BLATCHE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with