San Miguel dumiretso sa qâfinals
Nagtuwang sina June Mar Fajardo at import Chris McCullough sa hu­ling minuto ng final canto para itakas ang Beermen kontra sa Elasto Painters, 89-87 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Xavier University sa Cagayan de Oro City.
PBA images

San Miguel dumiretso sa q’finals

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagpigil sa pananalasa ng Rain or Shine ay idiniretso naman ng San Miguel ang kanilang arangkada sa tatlo para umabante sa quarterfinal round.

Nagtuwang sina June Mar Fajardo at import Chris McCullough sa hu­ling minuto ng final canto para itakas ang Beermen kontra sa Elasto Painters, 89-87 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Xavier University sa Cagayan de Oro City.

Umiskor si McCullough ng 24 points habang humakot ang five-time PBA MVP na si Fajardo ng 23 markers, 15 rebounds at 3 blocks para sa ikatlong sunod na ratsada ng San Miguel at itaas ang kanilang record sa 5-5 katabla ang Magnolia.

Napigilan naman ang two-game winning run ng Rain or Shine para sa kanilang 5-6 baraha.

Walang nakapagtayo ng double digit lead sa da­lawang koponan kung saan binitbit ng Elasto Painters ang 67-63 abante sa pagtatapos ng third period bago naagaw ng Beermen ang 89-82 kalamangan mula sa three-point shot ni McCullough at two-handed dunk ni Fajardo sa huling 1:08 minuto ng fourth quarter.

Ang triple ni rookie Javee Mocon at dalawang free throws ni import Carl Montgomery ang nagdikit sa Rain or Shine sa San Miguel sa 87-89 sa nala­labing 10.8 segundo.

Nabigo naman si Elasto Painters big man Beau Belga na maipasok ang kanyang desperadong tres sa pagtunog ng final bu­zer.

RAIN OR SHINE SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with