Sina Marc Bryan Dula, Triza Haileyana Tabamo at Trump Christian Luistro habang nagwa-warmup sa Chinese Swimming Club Sports Complex sa Singapore.
PSL tankers 5 ginto pa ang pinalubog
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2019 - 12:00am

4th CSC Super Junior Swim Meet

MANILA, Philippines — Humakot pa ang Philippine Swimming League (PSL) ng limang gintong medalya sa 4th CSC Super Junior Swimming Invitational na ginaganap sa Chinese Swimming Club Sports Complex sa Singapore.

Nagningning sa pagkakataong ito si Tarlac City pride Triza Haileyana Tabamo nang sumisid ng tatlong gintong medalya sa girls’ 12-year category.

Nagreyna si Tabamo sa 100m freestyle matapos magsumite ng isang minuto at 4.68 segundo habang namayagpag din ito sa 100m butterfly sa bilis na 1:09.39 gayundin sa 50m backstroke bunsod ng naitala nitong 34.16 segundo.

Magandang resbak ito para kay Tabamo na nagkasya lamang sa tanso sa 200m Individual Medley (2:40.85) sa unang araw ng kumpetisyon.

Nagdagdag naman ng dalawang ginto, isang pilak at isang tansong medalya si Masville High School-Parañaque standout Marc Bryan Dula sa boys’ 12-year division.

Nanguna ang Pala­rong Pambansa multi-gold medallist na si Dula sa 50m backstroke tangan ang 32.21 segundo gayundin sa 100m butterfly nang magsumite ito ng 1:04.57.

Pumangalawa lamang ito sa 100m freestyle (1:01.43) at pumangatlo sa 50m breaststroke (36.83).

Nauna nang nakahirit ng ginto si Dula sa 200m Individual Medley (2:30.80).

Magtatangka pang kumana ng gintong medalya si Dula sa 50m backstroke, 100m backstroke, 50m butterfly at 50m freestyle.

Sina Dula at Tabamo ang nangunguna sa Most Outstanding Swimmer award race sa kani-kanilang kategorya.

Nag-ambag si Aishel Cid Evangelista ng isang pilak at isang tanso sa boys’ 9-year class.

Nakuha ni Evangelista ang ikalawang puwesto sa 100m freestyle (1:10.08) samantalang pumangatlo ito sa 50m backstroke (37.81).

“It was an impressive start for our young swimmers. We are so proud of them; they fought hard against strong, tall and well-experienced foreign opponents,” ani PSL delegation head Alexandre Papa na kasama sina coaches Marlon Dula at Tristan Tabamo at team manager Sonia Baltazar.  

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with