Biado-De Luna duo pasok sa semis
Sina Jeff De Luna at Carlo Biado
Biado-De Luna duo pasok sa semis
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi maawat sina Carlo Biado at Jeff De Luna nang muli itong umiskor ng impresibong panalo para magmartsa sa semifinals ng prestihiyosong 2019 World Cup of Pool na ginaganap sa Morningside Arena sa Leicester.

Pinataob nina Biado at De Luna sina Filipino-Canadian Alex Pagulayan at Canadian Joshua Filler sa pamamagitan ng 9-5 desisyon sa quarterfinal round para makuha ang isa sa apat na silya sa Final Four.

Mainit ang simula ng Canada nang makuha nito ang 4-1 kalamangan sa pagsisimula ng laban.

Ngunit agad na umariba sina Biado at De Luna nang angkinin ang pitong sumunod na racks para maagaw ang bentahe, 8-4.

Sinubukang makabawi ng Canada nang makuha ang isa pang rack para sa 5-8 ngunit iyon na lamang ang nakayanan nito matapos ubusin ng Pinoy cue masters ang bola sa sumunod na rack para makuha ang panalo.

Mapapalaban ng husto sina Biado at De Luna sa semis dahil mainit din ang ratsada nina Marc Birjstenbosch at Niels Feijen ng Netherlands na siyang nagpatalsik kina reigning champions Wu Jiaqing at Liu Haitao ng China sa iskor na 9-5 sa hiwalay na quarterfinal match.

Una nang tinalo nina Biado at De Luna sina Roman Hybler at Michal Gaven?iak ng Czech Republic sa first round (7-6) at sina kina Klenti Kaci at Besar Spahiu ng Albania sa Round-of-16 (7-5).

Naisaayos naman nina Albin Ouschan at Mario He ng Austria at nina David Alcaide at Francisco Sanchez-Ruiz ng Spain ang paghaharap sa semis matapos patalsikin ang kani-kanilang karibal.

Tinalo nina Ouschan at He sina Alexander Kazakis at Nick Malaj ng Greece sa bendisyon ng 9-2 demolisyon habang nanaig naman sina Alcaide at Sanchez-Ruiz kina Jayson Shaw at Chris Melling ng Great Britain (9-6).   

2019 WORLD CUP OF POOL CARLO BIADO JEFF DE LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with