Tinirahan ni Poy Erram ng NLEX si Rain orShine import Denzel Bowles.
Jun Mendoza
NLEX nakalusot
Russel Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 29, 2019 - 12:00am

Elasto Painters pinigil

MANILA, Philippines — Bagama’t naisuko ang itinayong double-digit lead ay nakabawi naman sa tamang oras ang mga Road Warriors.

Inilista ng NLEX ang kanilang ikalawang panalo matapos takasan ang Rain or Shine, 100-97 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Itinaas ang baraha sa 2-7 kailangan ng Road Warriors na walisin ang San Miguel Beermen (2-4) at Phoenix Fuel Masters (3-4) at umasang sapat na ang apat na panalo para umabante sa eight-team quarterfinal round.

“Sabi lang ni coach (Yeng Guiao) stay under control. Iyon lang ang ginawa ko and I believed in my teammates,” sabi ni guard Jericho Cruz, nagtala ng 15 points, 6 rebounds at 6 assists.

Nadiskaril naman ang hangad ng Elasto Painters (3-4) na makadalawang sunod na ratsada.

Matapos magtabla sa first period, 23-23 ay kuma­wala ang NLEX sa second quarter para kunin ang 14-point lead, 46-32 tampok ang dunk ni import Olu Ashaolu sa 4:25 minuto ng second quarter.

Nakadikit naman ang Rain or Shine sa 55-56 mula sa inihulog na 17-5 bomba sa likod nina import Denzel Bowles, Ed Daquioag at rookie Javee Mocon sa 8:07 minuto ng third canto.

Nagsalpak si Cruz ng magkasunod na three-point shots para muling ilayo ang Road Warriors sa pagsasara ng nasabing yugto.

Ngunit hindi kaagad sumuko ang Elasto Painters.

Kumamada si Bowles ng 14 points habang inilapit ni Kris Rosales ang Rain or Shine sa 97-98 sa natitirang 33.6 segundo ng fourth period kasunod ang turnover ng NLEX.

Ang supalpal ni Poy Erram kay Bowles sa po­sesyon ng Painters ang nagresulta sa dala­wang free throws ni A­shaolu sa huling 5.1 segundo para selyuhan ang panalo ng Road Warriors. 

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with