Pinanood na lang ni Jervy Cruz ng NorthPort si Ri­chard Howell ng Phoenix sa aksyong ito.
Jun Mendoza
Phoenix niyanig ang Northport, Laglag!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ginulantang ng Ginulantang ng Phoenix Pulse ang NorthPort sa bendisyon ng 97-87 desisyon upang mapalakas ang tsansa nito sa quarterfinals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum. ang NorthPort sa bendisyon ng 97-87 desisyon upang mapalakas ang tsansa nito sa quarterfinals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Mala-import ang inilabas na laro ni Matthew Wright na naglista ng 28 puntos tampok ang 4-of-8 shooting clip sa three-point area kalakip ang anim na assists, limang boards at dalawang steals para manduhan ang Fuel Masters sa ikatlong panalo sa pitong laro.

“Nagiging consistent na ulit kami dun sa strength namin which is reboun­ding,” ani Fuel Masters head coach Louie Alas patungkol sa kanilang 56-46 dominasyon sa rebounding department.

“When we look at the stats ng Global (NorthPort) andami nilang second chance points plus yung fast break points nila. Hindi namin na-stop but we were able to control the game,” dagdag ni Alas.

Sumuporta si import Richard Howell na naglista ng double-double na 18 markers, 15 boards at tatlong steals gayundin si RJ Jazul na kumana ng 17 puntos kabilang ang dalawang tres.

Kumana naman si Jason Perkins ng 12 puntos samantalang may 11 points naman si Alex Mallari sa panalo ng Fuel Masters.

Nailista ng Fuel Masters ang 11 puntos na kalama­ngan matapos ang umaatikabong tres ni Wright may limang minuto pang nalalabi, 84-72.

Subalit nagpakawala ng 9-0 run ang Batang Pier sa likod ng tig-iisang three-pointers nina Sean Anthony, Robert Bolick at Kevin Ferrer para makadikit sa 81-84 sa huling 2:29 ng laro.

Naging matatag ang depensa ng Phoenix sa huling sandali ng laro dahilan upang magmintis ang Batang Pier kasabay pa ng ilang krusyal na turnover upang tuluyang makuha ng Fuel Masters ang panalo.

Nanguna para sa NorthPort si Mo Tautuaa na may 19 markers, anim na boards at tatlong assists.

Nahulog ang Batang Pier sa 7-2 marka para magkasya sa No. 2 spot.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP NORTHPORT PHOENIX PULSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with