Sa kabila ng panalo, hindi kuntento si PLDT head coach Roger Go­rayeb sa ipinakita ng kanyang bataan.
Jun Mendoza
PLDT nilunod ang Marinerang Pilipina
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2019 - 12:00am

Laro Bukas (The Arena

4:15pm PLDT vs Cignal

7pm Petron vs F2

MANILA, Philippines — Matikas na pinayuko ng PLDT Home Fibr ang Marinerang Pilipina, 25-21, 25-20, 18-25, 25-14 para masungkit ang ikalawang panalo sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sa kabila ng panalo, hindi kuntento si PLDT head coach Roger Go­rayeb sa ipinakita ng kanyang bataan.

“It seems that they are out of focus. That’s not the game I wanted to see after months of practice and a year of togetherness. There’s no steam, we’re lacking of intensity. I’m thankful for the win but they always need a wake-up call before picking up a victory,” ani Gorayeb.

Pantay lamang ang PLDT at  Marinerang Pilipina sa blocking (6-6) habang nakaungos ng bahagya ang Power Hitters sa service area tangan ang 6-5 edge.

Subalit kumana ang PLDT ng kabuuang 53 attacks dahil na rin sa magandang playmaking skills ni Jasmine Nabor na nagsumite ng 21 excellent sets.

Hataw ng husto si three-time NCAA MVP Grethcel Soltones na bumanat ng 22 puntos galing sa 19 attacks, dalawang blocks at isang ace para buhatin ang Power Hitters sa 2-1 baraha.

Solido rin ang floor defense ni Soltones na may 12 digs at 10 receptions sa larong tumagal ng isang oras at 33 minuto.

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with