Perpetual Trophy tampok sa NCAA Season 95
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula ngayong season ay magbibigay ang NCAA ng Perpetual Trophy sa paaralang mananalo ng tatlong sunod na seniors general championship.

Ito ang isa sa mga ita­tampok sa Season 95 ng NCAA na magbubukas sa Hulyo 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sinabi kahapon ni Peter Cayco ng host Arellano University na nagdesisyon ang NCAA Management Committee na ibasura ang pagkakaroon ng special guest speaker sa kanilang opening ceremony.

Sa halip ay si Policy Board President Francisco Cayco ang gagawa ng deklarasyon para sa opisyal na pagsisimula ng liga.

“We’re deviating a little from the usual. We will have no special guests or even guest speakers. Our Policy Board president will only declare the season open,” wika ni Cayco, ang chairman ng NCAA Management Committee, sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila.

Si Tonichi Pujante ang Commissioner para sa basketball tournament.

Kaagad lalabanan ng Letran ang back-to-back runner-up Lyceum sa alas-2 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Arellano at three-time defending champion San Beda sa alas-4.

Ang Arellano, San Beda, Lyceum at Letran ang itinuturing ni Cayco na 'teams to beat' sa men’s basketball ngayong season sa PSA Forum na inihahandog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ngayong season ay gagawing regular sport ang women’s lawn tennis na susundan ng cheerleading sa 2020.

NCAA SEASON 95
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with