Si Manny Pacquiao sa isa niyang morning workout sa Griffith Park.
Wendell Alinea/MP Promotions
Pacquiao may sinusunod na training pattern
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matindi ang pinagdaraanan ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa training camp upang pag­handaan ang unification bout laban kay undefeated American pug Keith Thurman sa Hulyo 21 (Manila time) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

At importante na magkaroon ng sapat na pahinga ang reigning World Boxing Association regular welterweight champion para mabigyan ng tsansa ang katawan nito na makarekober sa matinding pagsasanay.

Sinabi ni strength and conditioning expert Justin For­tune na malaking bagay na makapagpahinga si Pac­quiao para mapanatiling sariwa ang pangangatawan nito.

Isa rin itong paraan upang makaiwas sa anumang in­jury ang eight-division world champion.

Sinusundan ng Team Pacquiao ang training pattern na ginamit nila sa paghahanda ng Pambansang Kamao laban kay Lucas Matthysse noong nakaraang taon at kon­tra kay Adrien Broner noong Enero.

“We’re running the same sort of game plan we did against Matthysse and against Broner where rest is more important for him,” ani Fortune.

Epektibo ang naging training plan ni Pacquiao sa hu­­ling dalawang laban nito.

Magugunitang napabagsak ni Pacquiao si Lucas Matthysse noong Hulyo ng nakaraang taon via seventh-round knockout victory sa labang ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Muling umariba si Pacquiao nang maitarak nito ang im­presibong unanimous decision victory kay Adrien Bro­ner noong Enero sa MGM Grand Garden Arena sa Las Ve­gas para mapanatili ang WBA crown.

Matapos magpahinga ay muling sasalang si Pacquiao sa matinding pagsasanay kasama sina chief trainer Buboy Fernandez at Hall of Famer Freddie Roach.

Inaasahang mas tataas na ang bilang ng sparring session at punch mitts ni Pacquiao.

Tuloy pa rin ang pagtakbo ni ‘Pacman’ sa Griffith Park para palakasin ang kanyang stamina.

Sa katunayan, tuloy ang running session ni Pacquiao kahit pa bahagyang umulan noong Biyernes.

KEITH THURMAN MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with