Nakatakda ang engkuwentro ng Blaze Spikers at Tornadoes ngayong alas-7 ng gabi.
Petron puntirya ang panalo laban sa Foton
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng nagdedepensang Petron Blaze Spi­kers na masundan ang ka­­nilang opening-day win sa pagharap sa Foton Tor­na­does sa 2019 Philippine Su­perliga All-Filipino Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Blaze Spikers at Tornadoes ngayong alas-7 ng gabi.

Matikas ang simula ng Petron nang ilampaso ang Marinerang Pilipina noong na­karaang linggo, 25-21, 25-16, 25-10.

Humataw sa na­turang panalo si Aiza Maizo-Pontillas na tumipa ng 12 kills at tatlong blocks gayundin sina Mika Reyes at Bernadeth Pons na may pinagsamang 19 markers, habang uma­riba rin sina UAAP Most Valuable Player Sisi Ron­­dina at playmaker Rhea Dimaculangan.

Ngunit alam ni Petron head coach Shaq Delos Santos na mas mapanga­nib sa kumperensiyang ito ang Fo­ton dahil sa pagba­balik ng ilang key players at pag­pasok ng ilang matitikas na manlalaro.

Mapapalaban ang Petron dahil nakabalik na si­na Jaja Santiago at Dindin Ma­nabat na parehong nag­laro sa commercial league sa Ja­pan.

Pumasok din sa tropa si­­­na Marian Buitre, Justine Do­­rog at Laizah Bendong pa­ra makatuwang nina Mi­na Aga­non, Elaine Kasilag, Mai­ka Ortiz, Shaya Adorador at Jen Reyes.

Pakay ng Tornadoes na makabalik sa porma ma­tapos lumasap ng 9-25, 25-23, 22-25, 16-25 ka­biguan sa F2 Logistics no­ong Sabado sa Imus Sports Center sa Cavite para mahulog sa 1-2 baraha.

Magtatagpo naman ang PLDT Home Fibr at Ma­­­rinerang Pilipina sa alas-2 ng hapon, habang si­­simulan ng Cignal ang kam­panya sa pakikipagtipan sa Sta. Lucia Realty sa alas-4:15.

2019 PHILIPPINE SU­PERLIGA ALL-FILIPINO CONFE­RENCE PETRON BLAZE SPI­KERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with