Kumolekta ang Fil-Am play­maker ng 16 points, 8 rebounds, 3 assists at 2 steals sa 100-85 panalo ng Gin Kings laban sa NLEX Road Warriors sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Batangas City Coliseum noong Linggo.
PBA images
Brownlee-Pringle bagong tandem ng Brgy. Ginebra
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa unang laro pa lamang ni Stanley Pringle ay napakinabangan kaagad siya ng nagdedepensang Ba­­rangay Ginebra.

Kumolekta ang Fil-Am play­maker ng 16 points, 8 rebounds, 3 assists at 2 steals sa 100-85 panalo ng Gin Kings laban sa NLEX  Road Warriors sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Batangas City Coliseum noong Linggo.

Ito pa lamang ang ikatlong laro ni Pringle sa komperensya matapos sumailalim sa isang operasyon pa­ra tanggalin ang bone spurs sa kanyang paa.

Nakuha ng Ginebra ang 32-anyos na point guard mula sa NorthPort ka­palit nina Sol Mercado, Jer­vy Cruz at Kevin Ferrer.

Tumapos naman si import Justin Brownlee na may 37 markers, 8 boards, 7 assists at 5 steals para ita­as ang baraha ng Gin Kings sa 4-3.

“Justin and Stanley started playing well toge­ther and that’s something we envision,” sabi ni head coach Tim Cone sa bagong tambalan nina Brownlee at Pringle.

Humataw sina Pringle, Brownlee at LA Tenorio sa third period para ibaon ang Road Warriors (1-7) sa  76-49 sa huling 3:34 minuto ng nasabing yugto patungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP STANLEY PRINGLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with