^

PSN Palaro

Timeout

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nagpaalam si Jayson Castro kay coach Yeng Guiao na pass muna siya sa Gilas team na lalaro sa darating na FIBA World Cup sa China.

Nagpaalam na din daw si Jayson sa grupo ni MVP na sumusuporta at nagpopondo sa Gilas Pilipinas.

Naiintindihan naman nila lahat si Jayson.

Ako din. Sana kayo din.

Bagong kasal si Jayson. At gusto niya tuunan naman ng panahon ang kanyang pamilya.

May dalawa na silang anak pero dahil nga daw sa sobrang busy niya sa TNT Katropa sa PBA at sa Gilas ay hindi nila maplano ang wedding.

“Pitong taon,” sabi ni Jayson.

Nakakapagod nga din naman na sa huling pitong taon eh, basketball na lang ang ikot ng mundo niya.

Kung break sa PBA, may Gilas naman.

Araw-araw na laro at ensayo. Kahit sino nga naman eh, mapapagod.

Iyong iba nga, nagpapaalam din. Madalas na pa­lusot eh, injured.

Bigyan naman natin ng panahon si Jayson na da­­ting naturingan na best pointguard sa Asia para sa pa­­milya niya.

Natanong din pala siya kung retirement na sa Gilas ang gusto niyang ipahiwatig.

“Siguro,” sabi ng 32-year-old na player.

Huwag naman sana Jayson.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with