^

PSN Palaro

Bagunas kinuha ng Japanese team

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dadalhin ni UAAP Most Valuable Player Bryan Bagunas ang kanyang husay sa Japan matapos siyang ku­nin ng Oita Miyoshi Weisse Adler para sa su­su­­nod na season ng Japan Vol­leyball League.

Handa na ang National University standout na mai­pamalas ang kanyang husay sa Japan.

“Sobrang saya ko po da­hil pangarap ko talagang makapaglaro internatio­nally. Kaya ibibigay ko po ta­­­laga ang lahat. Iyong mga natutunan ko dito, ga­­gamitin ko doon,” wika ni Bagunas.

Si Bagunas ang ikalawang Pinoy na maglalaro sa Japan kung saan unang nasilayan sa aksyon si five-time UAAP MVP Marck Je­­sus Espejo ng Ateneo de Ma­nila University na nag­la­ro sa parehong koponan.

Makulay na tinapos ni Ba­­gunas ang kanyang col­­legiate career matapos dalhin ang Bulldogs sa kampeonato sa UAAP Sea­son 81.

Itinanghal din siyang Sea­­son MVP matapos mag­­tala ng average na 20.3 points per game.

Nakuha rin ni Bagunas ang First Best Outside Spi­ker at Best Server awards at ang Finals MVP plum.

Sa kabila ng magarbong kampanya sa local scene ay alam ni Bagunas na marami pa siyang matututunan sa Japan kasama ang mga beteranong Japanese players at mahuhusay na Japanese coaches at trainers.

Magsisimula ang Japan Volleyball League sa Oktubre.

vuukle comment

JAPAN VOL­LEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with