^

PSN Palaro

Unang panalo para sa Blaze Spikers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Unang panalo para sa Blaze Spikers
Mainit ang simula ng Blaze Spikers na humataw nang husto sa attack line sa pangunguna ni middle hitter Mika Reyes na kumamada ng limang attacks, tatlong blocks at dalawang aces para banderahan ang kanilang tropa sa 1-0 pa­nimula.
PSL Photo

Laro Bukas(Imus Sports Center)

4 p.m. Sta. Lucia vs PLDT

6 p.m. F2 vs Foton

MANILA, Philippines — Kaagad umariba ang nagdedepensang Petron matapos gulpihin ang bagitong Marinerang Pilipina via straight set, 25-21, 25-16, 25-10, para makuha ang unang panalo sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Imus Sports Center sa Ca­vite.

Mainit ang simula ng Blaze Spikers na humataw nang husto sa attack line  sa pangunguna ni middle hitter Mika Reyes na kumamada ng limang attacks, tatlong blocks at dalawang aces para banderahan ang kanilang tropa sa 1-0 pa­nimula.

“Nag-enjoy lang kami sa laro dahil kailangan masaya lang kami inside the court whether nagkamali ka o hindi. Dapat smile lang dahil nakaka-lift ‘yun ng spi­rits ng teammates,” ani Re­yes na magdiriwang ng ika-25 kaarawan ngayong araw.

Umiskor din ng ma­la­king puntos sa attack line si­na UAAP Season 81 MVP Sisi Rondina, Berna­deth Pons at Ces Molina, ha­­bang maganda ang ko­neksyon nina playmaker Rhea Dimaculangan at li­bero Ria Duremdes para makuha ang panalo.

Rumatsada ang Blaze Spikers ng umaatikabong 42 attacks laban sa 21 lamang ng Lady Skippers.

Nagrehistro rin ang Petron ng pitong puntos sa blocking department.

Pinarusahan din ng Blaze Spikers ang reception ng Marinerang Pilipina nang nagpakawala ito ng walong aces sa larong tu­magal lamang ng isang oras at 12 minuto.

Tila nangangapa pa ang Blaze Spikers sa um­pisa ng laro dahilan upang makagawa ito ng karamihan sa 18 total errors ng tro­pa.

Ngunit mabilis na na­ku­ha ng Petron ang per­pek­tong kundisyon para paliguan ang Marinerang Pilipina ng matatalim na atake sa mga sumunod na sets para tuluyang makuha ang panalo.

Patuloy na inaalat ang Lady Skippers na lumasap ng ikatong dikit na kabiguan.

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with