POC chair Tolentino nanawagan ng halalan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Philippine Olympic Committee (POC) chairman Abraham Tolentino na magkaroon ng eleksyon upang punan ang nabakanteng puwesto ni ABAP president Ricky Vargas na nagbitiw bilang POC president noong Martes.

Ito ang ilalatag ni Tolentino sa POC general assembly sa Hunyo 25.

Ayon sa POC Bylaws Article 7, Section 6, maaaring magkaroon ng special election kung ang mga sumunod na opisyales – First-Vice President at Second-Vice President – ay hindi kuwalipikadong pumalit.

Kailangang presidente ng isang national sports association ang papalit bilang POC chief.

Base sa Article 7 Section 11, ang POC president ay dapat na may apat na taong karanasan bilang NSA president ng isang Olympic sport at aktibong miyembro ng POC na regular na dumadalo sa General Assembly sa mahigit na dalawang magkakasunod na taon.

Kasalukuyang POC First-Vice President si Joey Ro­masanta na vice president ng volleyball, habang POC Second Vice-President naman si Antonio Tamayo na president ng soft tennis na hindi Olympic sport.

Kung susundin ang batas na nakasaad sa POC Constitution ay parehong hindi kuwalipikado sina Romasanta at Tamayo kaya’t obligado ang POC chairman na magpatawag ng eleksyon sa loob ng 30 araw matapos magbitiw ang POC chief.

ABRAHAM TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with