Sariwa pa ang F2 Logistics sa 25-12, 25-21, 25-17 panalo laban sa Generika-Ayala noong Sabado.
facebook
F2 Logistics may pakay sa PLDT
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sasarguhin ng Grand Prix Conference runner-up F2 Logistics ang ikalawang dikit na panalo sa pagharap nito sa PLDT Home Fibr sa pagpapatuloy ng 2019 Phi­lippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang bakba­kan ng Cargo Movers at Power Hitters sa alas-7 ng gabi.

Sariwa pa ang F2 Logistics sa 25-12, 25-21, 25-17 panalo laban sa Generika-Ayala noong Sabado.

Hindi pa naglaro si Filipino-American Kalei Mau subalit hindi naman ito naging problema para kay Cargo Movers head coach Ramil de Jesus  dahil malalim ang lineup nito.

Nariyan na si opposite hitter Kim Kianna Dy na galing sa injury para samahan sina Aby Maraño, Majoy Baron, Ara Galang at Dawn Macandili na manduhan ang F2 Logistics.

Bukod pa rito ang pagbabalik ng mga La Salle players gaya nina playmaker Michelle Cobb, Desiree Cheng, Tin Tiamzon at Aduke Ogunsanya.

“Having my players from La Salle and with Kianna returning is a big help. At least now I can rotate a lot of players,” ani De Jesus.

Mapapalaban ang Cargo Movers dahil ga­ling sa magandang expe­rience ang Power Hitters sa isang pocket tournament sa Perth, Australia.

Mangunguna sa atake ng PLDT Home Fibr sina Gretchel Soltones, Aiko Urdas, Jasmine Nabor at Jerrili Malabanan habang hahawakan ang tropa ni coach Roger Gorayeb.

Samantala, mag­ta­tag­po ang Generika-Ayala at Marinerang Pilipina sa alas-2 ng hapon kasunod ang duwelo ng Foton at Sta. Lucia R­ealty sa alas-4:15.  

2019 PHI­LIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE F2 LOGISTICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with