Nakuha ng Cignal-A­teneo ang 1-0 bentahe sa serye matapos kubrahin ang impresibong 101-66 demolisyon sa Scorpions sa Game 1 noong Huwebes.
facebook
Cignal-Ateneo didikit sa titulo
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng Cignal-A­teneo de Manila University na makalapit sa korona sa pagsabak nito laban sa Centro Escolar University sa Game 2 ng 2019 PBA D-League best-of-five championship series ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magtutuos ang Blue Eagles at Scorpions sa alas-4 ng hapon.

Nakuha ng Cignal-A­teneo ang 1-0 bentahe sa serye matapos kubrahin ang impresibong 101-66 demolisyon sa Scorpions sa Game 1 noong Huwebes.

Humataw sa natu­rang laro si Isaac Go na nagsumite ng 17 puntos mula sa 4-of-6 shooting sa three-point area para banderahan ang matikas na ratsada ng Blue Eagles.

Sa katunayan, nagtala ang Cignal-Ateneo ng 16-of-38 sa rainbow territory.

Sa kabila ng magandang inilalaro, walang balak magpakakampante ang Blue Eagles dahil simula pa lang ang serye.

At alam ng Cignal-A­te­neo ang kamandag na puwede000000000000000000000000000000000ng ilabas ng CEU.

“We could not take them for granted because they're in the Finals for a reason. We just wanted to make sure that we don't get complacent,” ani Blue Eagles deputy coach Sandy Arespacochaga.

Maliban kay Go, aasahan din ng Blue Eagles sina Thirdy Ravena at A­ngelo Kouame kasama sina Nieto brothers Matt at Mike.

Kailangan naman ng CEU na gumawa ng paraan kung paano pipigilan ang Cignal-Ateneo.

Basag ang lineup ng Scorpions dahil pito lamang ang naglalaro sa kanilang tropa matapos masangkot sa game-fixing issue ang iba pang miyembro nito.

Kaya naman  ma­tin­ding motibasyon ang i­binibigay ni Scorpions head coach Derrick Puma­ren para manatiling mataas ang moral ng kanyang bataan.

2019 PBA D-LEAGUE CIGNAL-A­TENEO DE MANILA UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with