Balanseng atake ang inilatag ng Hotshots na nagresulta upang makalikom ng mahigit 20 puntos ang tatlong manlalaro para makuha ang ikalawang panalo sa apat na pagsalang at saluhan sa No. 5 spot ang Rain or Shine na may katulad na 2-2.
Jun Mendoza
Dyip kinapos sa Hotshots
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Napigilan ng Magnolia ang paghahabol ng Columbian Dyip sa huling sandali ng laro upang kunin ang 110-103 panalo sa 2019 Philippine Basketball Association Commissio­ner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Balanseng atake ang inilatag ng Hotshots na nagresulta upang makalikom ng mahigit 20 puntos ang tatlong manlalaro para makuha ang ikalawang panalo sa apat na pagsalang at saluhan sa No. 5 spot ang Rain or Shine na may katulad na 2-2.

Pinamunuan ni import James Anthony Farr ang matikas na kamada ng Magnolia matapos kumana ng 22 puntos, 11 rebounds, tatlong assists at dalawang steals.

Tumipa naman si Ian Sangalang ng parehong 22 markers kasama ang walong boards, tatlong blocks at dalawang assists habang naglista si Paul Lee ng 21 puntos, tatlong dimes at dalawang boards.

Solido rin ang laro ni dating Arellano University standout Jio Jalalon na may double-double showing na 17 markers at 12 rebounds kalakip ang pitong assists at dalawang steals.

“Sa first half, pinagalitan kami ni coach Chito (Victolero) dahil wala kaming depensa. Kaya sa second half, binalik lang namin yung depensa para ma­kabalik kami sa laro. Ako naman ginawa ko lang yung best ko, yung energy para makatulong sa team,” ani Jalalon.

Lumasap ang Columbian Dyip ng ikaapat na kabiguan para manatili sa ika-11 posisyon taglay ang 1-4 marka.

Bumandera para sa Columbian Dyip ang bagong import na si Lester Prosper na gumawa ng 26 markers at 14 boards habang may 18 markers si rookie CJ Perez at pinagsama-samang 35 puntos sina Glenn Khobuntin, Rashawn McCarthy at Jackson Corpuz.

Nakahugot ang Hotshots ng 52-46 kalama­ngan sa rebounds at 24-16 bentahe sa assists.

2019 PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION COMMISSIO­NER’S CUP COLUMBIAN DYIP MAGNOLIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with