Lalarga na ang second phase ng training camp ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.
Pacquiao preparado na ang katawan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas matinding ensayo ang pagdaraanan ni World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion Manny Pacquiao kasama si Hall of Famer Freddie Roach sa oras na tumuntong ito sa Amerika.

Lalarga na ang second phase ng training camp ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.

Pagdating sa Amerika, ilang oras lamang magpapahinga si Pacquiao at agad itong sasabak sa training.

Nakalatag na ang plano ni Roach.

Kabilang sa mga ipapagawa ni Roach ang mga estratehiyang gagamitin ni Pacquiao laban kay undefeated American pug Keith Thurman na makakasagupa nito sa unification bout sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

“Nandun na yung lakas ni Manny. Talagang makikita mo na nagbalik yung lakas niya. Malaki ang maitutulong ni Freddie dahil malalim ang experience niya,” ani chief trainer Buboy Fernandez.

Bukod sa kaliwa’t kanang sparring session at mitts, sisimulan na rin ng eight-division world champion ang running session sa matatarik na daan ng Griffith Park.

Normal na itong ginagawa ni Pacquiao sa tuwing nasa Amerika ito.

Ayon kay Fernandez, malaking tulong ito kay Pacquiao partikular na sa pagpapabilis ng kanyang footwork.

“Tuwing nasa Los Angeles  siya, talagang tumatakbo siya sa Griffith dahil malaki ang tulong nito para sa additional strength,” ani Fernandez.

Preparado na ang katawan ni Pacquiao.

Nasa 80 porsiyento na itong handa.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with