Hinatawan ni Aby Maraño ng F2 Logistics sina Mikaela Lopez at Fiola Ceballos ng Generika.
Russell Palma
Cargo Movers mainit ang simula
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

Life Savers nilunod

Laro sa Martes (The Arena)

2pm GAL vs MPS

4:15pm SLR vs FOT

7pm F2 vs PHF

MANILA, Philippines — Mabilis na dinispatsa ng F2 Logistics ang Generika-Ayala makaraang iselyo nito ang 25-12, 25-21, 25-17 demolisyon upang kunin ang unang panalo sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umariba ng husto si national team member Aby Maraño na pumalo ng 15 hits galing sa siyam na attacks, limang blocks at isang aces para manduhan ang Cargo Movers sa pagsulong sa 1-0 rekord.

Gumawa rin si da­ting All-Filipino Conference MVP Ara Galang na nagbaon ng 11 hits  at kumuha ng 11 digs samantalang nagdagdag sina Majoy Baron at Desiree Cheng ng tig-walong puntos para sa F2 Logistics.

“Dito namin mate-test kung ano na yung na-practice namin for the past few weeks. Medyo kapaan pa sa kalaban dahil ngayon lang ulit kami nagkita ng Generika. Nag-focus lang kami sa kung ano kaya naming gawin,” ani Galang.

Maganda ang pagba­balik ni Kim Kianna Dy na agad na nagtala ng pitong puntos.

Nakakuha ng 39 puntos ang Cargo Movers sa attacks, mas marami ng siyam kumpara sa Lifesavers.

Nagawa ito ng Cargo Movers dahil sa impresibong setting skills ni Michelle Cobb na may 14 excellent sets.

Naramdaman ng husto ang F2 Logistics sa net defense matapos makakuha ng 11-0 edge sa blocking department.

Hindi pa nasilayan sa aksyon si Filipino-American Kalei Mau na ilang araw pa lamang nagsasanay kasama ang Cargo Movers.

Ayon kay F2 Logistics team manager Hollie Reyes, nasa adjustment period pa si Mau ngunit inaasahang maglalaro na ito suot ang yellow jersey sa mga susunod na laro ng Cargo Movers.

 Tanging si Fiola Ceballos lamang ang nagsilbing liwanag sa panig ng Lifesavers nang magrehistro ito ng 10 markers.

Nakagawa ang Lifesavers ng 20 errors para mahirapang makasabay sa Cargo Movers.

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with