Ito ay utos mismo ni Vargas ayon sa opisyal na pahayag na inilabas kahapon matapos ang pa­nawagan ng ilang exe­cutive board members ng isang masinsinang pagpupulong upang masagot na ang mga kritikal na katanungan nila sa pagha­handa ng bansa sa SEAG.
Vargas dadalo sa POC executive board meeting
JBulanday (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpulong ang Philippine Olympic Committee (POC) executive council board members sa pangunguna ni President Ricky Vargas upang talakayin ang mga krusyal na usaping bahagi ng pagha­handa ng bansa sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games as Nobyembre.

Ito ay utos mismo ni Vargas ayon sa opisyal na pahayag na inilabas kahapon matapos ang pa­nawagan ng ilang exe­cutive board members ng isang masinsinang pagpupulong upang masagot na ang mga kritikal na katanungan nila sa pagha­handa ng bansa sa SEAG.

“I have decided to accept the call of the majority of executive board members for session with me on 18th of June to clear up the matters in the interest of unity in this crucial stage of our preparations for the Southeast Asian Games,” ani Vargas.

Kabilang sa pag-uusapan ng makapangyarihang board ang maselang isyu ng pagkakasangkot ni Vargas sa Phisgoc Foundation na hindi aniya nabasbasan ng board at ang kwestiyonableng transaksyon sa isang apparel company.

Ang Phisgoc foundation ay kaiba sa orihinal na Phisgoc sa pangunguna ni dating Senador Alan Peter Cayetano na siyang naatasang humawak sa 30th SEA Games.

Ayon sa board, isa si Vargas sa incorporators ng Phisgoc foundation na siyang naging biglaang res­ponsable sa SEAG hosting at ibang pang international events, na dapat ay Phisgoc ang may mandato.

Isa rin sa tatalakayin sa krusyal na pagpupulong ay ang ‘hindi makatarungang’ pondo na hiningi ng Phisgoc Foundation sa Philippine Sports Commission para sa kada set ng uniform ng mga atleta sa ilalim ng apparel company na Asics.

Ayon sa request, puma­patak ng higit P51, 000 ang halaga ng kada uniform ng bawat atleta na malayo sa P25, 000 na pondo ng uniform ng mga atleta sa  Asian Games noong nakaraang taon sa Indonesia.

Ito ang nais ng POC board na masagot ni Vargas ayon kay board member Clint Aranas na archery president at general manager ng Government Service Insurance System sa isang press conference kamakalawa.

“We’re not calling for an election or declaring any vacancy. All we want is for the POC president to come forward to tell us the truth and discuss how we can help him,” ani Aranas.

RICKY VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with