Ito ay matapos tanggapin ng dating Gilas Pilipinas team captain ang imbitasyon ng Sacramento Kings na maging miyembro ng kanilang coaching staff para sa darating na NBA Summer League.
Alapag uupo sa bench ng Kings sa NBA Summer League
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung wala mang Pinoy na makikitang naglalaro sa NBA ay posibleng si Jimmy Alapag ang magpakilala sa Pilipinas -- mula sa bench.

Ito ay matapos tanggapin ng dating Gilas Pilipinas team captain ang imbitasyon ng Sacramento Kings na maging miyembro ng kanilang coaching staff para sa darating na NBA Summer League.

Sinabi ni Alapag, head coach ng Alab Pilipinas sa Asean Basketball League at assistant sa San Miguel sa PBA, na inimbitahan siya ni Sacramento general manager Vlade Divac na sumama sa coaching staff ng Kings para sa NBA Summer League sa susunod na buwan.

“As a coach, it’s important to continue to grow and learn. So thankful to Vlade Divac and the Sacramento Kings organization for the opportunity to join their Summer League staff in Vegas this year,” sabi ng 41-anyos na Fil-American point guard sa kanyang Instagram post.

Sina Alapag at Divac ay mga miyembro ng FIBA Players’ Commission.

Wala pang pahayag ang Kings kung sino ang hahawak sa kanilang koponan sa NBA Summer League na nakatakda sa Hulyo 5 hanggang 15 at lalahukan ng 30 NBA teams bukod pa sa Chinese at Croatian national squads.

Si Luke Walton, naging mentor ng Los Angeles Lakers, ang kinuhang head coach ng Kings para sa darating na 2019-2020 season kasama sina assistant coaches Igor Kokoskov, Bob Beyer, Jesse Mermuys at Roy Rana.

JIMMY ALAPAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with