Durant, Thompson kursunada pa rin ng Warriors
(Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California — Plano ng Golden State Warriors na alukin ng five-year max contracts sina Kevin Durant at Klay Thompson sa kabila ng mga injuries na nangyari sa kanila sa katatapos na NBA Finals.

Sinabi ng Warriors na hindi makakaapekto sa kanilang alok ang torn Achilles ni Durant at torn ACL ni Thompson.

Kapwa nakuha ng dalawang players ang kanilang mga injuries sa kanilang championship series ng Toronto Raptors.

Si Thompson ay magiging isang unrestricted free agent sa Hunyo 30  samantalang maaaring tanggihan ni Durant ang kanyang $31.5-million player option para maging isang free agent.

Kung parehong pipirma ang dalawang players para sa Warriors ay magbaba­yad ang koponan ng $350 milyon sa kanilang payroll at luxury taxes.

Lilipat ang Warriors mula sa Oracle Arena sa Oakland para sa bagong Chase Center sa San Francisco.

Inaasahang matatagalan pa bago makapaglaro ang dalawang players sa Chase Center.

GOLDEN STATE WARRIORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with