“I'm really rooting for Manny Pacquiao, but you've gotta realise that he's 41 years of age, and when a fighter has been around so long passes his late 30s and goes into his 40s, he's not gonna be as good as he was in his prime,” aniya.
AFP/Noel Celis
Arum: Pacquiao dapat nang mag-ingat sa ‘brain damage’
(Philstar.com) - June 14, 2019 - 12:31pm

MANILA, Philippines — Nangangamba ang beteranong boxing promoter na si Bob Arum sa panganib ng brain damage na maaaring matamo ni World Boxing Association regular welterweight champion Manny Pacquiao sa nalalapit nilang sagupaan ng Amerikanong kampeon na si Keith Thurman sa Las Vegas.

Ayon sa kanya, ang cranium ng bungo ay numinipis kasabay ng pagtanda at humihina rin daw ang kakayahan nitong uminda ng mga suntok.

Si Pacquiao ay 41-anyos na sa Disyembre.

“When they get older the cranium is thinner, and when you get hit it affects — that would be the worst thing in the world if Manny Pacquiao suffered brain damage at this point,” dagdag niya.

(Kapag tumatanda, numinipis ang cranium, at kapag tamaan ka ng epekto nito — ‘yun na ang pinalamalalang bagay sa mundo kung dumanas ng brain damage si Manny Pacquiao ngayon.)

Ang pag-aalala ng 87-anyos na si Arum ay bunga ng natamong malalang brain injury ng 41-anyos na boksingerong si Zab Judah nitong Biyernes.

Nagtamo si Judah ng pagdugo ng utak matapos ang 11 rounds laban kay Cletus Seldin. Nakalabas na sa ospital si Judah Lunes.

“I wish him the best and I hope he wins the fight but I am concerned, as I would be for any fighter, that when they get to a certain age that they probably should not be fighting anymore,” sabi ni Arum.

(Hiling ko ay manalo siya sa laban pero nag-aalala ako, tulad ng pag-aalala ko rin sa ibang boksingero, na kapag umabot na sila sa isang edad ay 'di na dapat sila lumalaban.)

Dala rin ng mahabang propesyonal na pagsasama nina Pacquiao at Arum ang kanyang pag-alala. Saksi si Arum sa karamihan ng laban ni Pacquiao bilang eight-division world champion.

Dagdag niya, hindi na rin magiging kasing bagsik ang sinumang boksingerong lumampas na sa kaniyang “prime”.

“I'm really rooting for Manny Pacquiao, but you've gotta realize that he's 41 years of age, and when a fighter has been around so long passes his late 30s and goes into his 40s, he's not gonna be as good as he was in his prime,” ani niya.

(Gusto kong manalo si Manny Pacquiao, pero kailangan mong makita na 41 na siya, at kapag tumagal na ang isang boksingero at umabot na ng 40-anyos, hindi na rin siya magiging kasing galing tulad noon.)

Kaya naman babala ni Arum kay Pacquiao na matuto na sa natamo ni Judah, at iwasan pang mauwi ito sa brain damage buhat ng kanyang edad.

Haharapin ni Pacquiao ang 'di matalo-talong 30-anyos na si Thurman sa Las Vegas sa Hulyo 20 sa MGM Grand Garden Arena. — Philstar.com intern Blanch Marie Ancla

BOB ARUM BOXING KEITH THURMAN MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with