^
Elite balik uli sa liderato
Muling napasakamay ng Elite ang solong liderato matapos talunin ang NLEX Road Warriors, 132-106 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
PBA images

Elite balik uli sa liderato

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t may dalawang puntos lamang si import Alex Stepheson sa kabuuan ng third period ay hindi ito naging problema ng Blackwater.

Muling napasakamay ng Elite ang solong liderato matapos talunin ang NLEX Road Warriors, 132-106  sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang ikalawang sunod na arangkada ng Blackwater ang nagpaganda sa kanilang kartada sa 5-1 kasabay ng pagpapalasap sa NLEX ng pang-limang dikit nitong kamalasan.

“Today is a test of cha­racter for sure. NLEX is a great team,” sabi ni No. 2 overall pick Ray Ray Parks Jr, na pumukol ng bagong career-high na 29 points. “Each and every test we just want to pass it.”

Nagmula ang Elite sa 98-92 panalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters (1-2) noong nakaraang Linggo.

Muli namang naglaro ang Road Warriors na wala si head coach Yeng Guiao, magbabalik sa susunod na linggo matapos ang cruise vacation sa Europe kasama ang kanyang pamilya.

Tinapos ng Blackwater ang first period bitbit ang 33-19 abante patungo sa pagtatala ng 16-point lead, 45-29 mula sa fastbreak basket ni Gelo Alolino sa pagsisimula ng second quarter.

Sa third canto ay pinamunuan naman ni Cyrus Baguio, nagsalpak ng dalawang sunod na three-point shots, ang pagbangon ng NLEX para itabla ang laban sa 63-63.

Muling nag-init ang Elite at itinayo ang pinakamalaki nilang kalamangan sa 97-80 galing sa magkasunod na tirada ni Allein Maliksi sa pagbungad ng fourth period.

Mula rito ay hindi na nakalapit ang Road Warriors.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with