^

PSN Palaro

Chot nag-resign sa TV5

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang tatlong taon ay tuluyan nang binitawan ni dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang kanyang posisyon bilang Chief E­xecutive Officer ng television network na TV5.

Kinumpirma ni Reyes ang kanyang pagbibitiw sa puwesto bilang CEO ng TV5 matapos ang tatlong taon.

Sa panayam ng F­ashion Pulis blog, sinabi ni Reyes na iiwanan na niya ang TV5 at nakatakdang palitan ni Jane Basas, ang presidente ng affiliate Cignal TV.

Ayon kay Reyes, kinausap siya ni PLDT chairman at Chief Executive Officer (CEO) Manuel V. Pangilinan para mailipat sa ibang puwesto ng nasabing PLDT Group na kanyang mariing tinanggihan.

“I’ve been here more than five years and, you know, I’m really not the corporate type,” wika ni Reyes sa isang panayam sa kanyang pamamahala sa Media5, ang sales arm ng TV5. “I asked if I could opt for early retirement.”

Ilan sa mga naging hakbang ni Reyes, bumaba sa pagiging head coach ng Gilas Pilipinas noong nakaraang taon, para palakasin ang TV5 ay ang pagtitipid sa mga hindi kumikitang entertainment shows.

Itinutok din ni Reyes ang TV5 sa news at sports programming na nagresulta sa kanilang pakikipagtambal nila sa ESPN Inc. noong 2017.

Ayon kay Reyes, mas maaasikaso niya ang kanyang personal business na Coachcom Inc. na nag-aalok ng executive c­oaching services.

vuukle comment

CHOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with