Mahigit isang dekada ring nagsama sina Pacquiao at Arum.
AFP
Thurman tatalunin si Pacquiao—Arum
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumbinsido si Top Rank chief Bob Arum na tatalunin ni undefeated American boxer Keith Thurman si reigning World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion Manny Pacquiao sa kanilang nakatakdang sal­pukan sa Hulyo 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Mahigit isang dekada  ring nagsama sina Pacquiao at Arum.

Kasama ni Pacquiao si Arum nang maging eight-division world champion ito.

Subalit magugunitang kumalas ang Pinoy champion sa Top Rank kung saan hinawakan ng MP Promotions ang kanyang mga laban. Kalaunan ay nakipagsanib-puwersa ang MP Promotions sa Premier Boxing Champions.

Tila hindi pa rin ito ma­tanggap ni Arum.

Kaya’t nagbago na rin ang ihip ng hangin matapos ihayag ni Arum ang prediksyon nitong pabor kay Thurman.

Usap-usapan din na may halong bitterness ang kanyang prediksiyon.

Matanda na aniya si Pacquiao at hindi ito ang pinakamalaking pangalan sa mundo.

“Manny Pacquiao is 40-years-old, and when you get to that age, you’re not the same fighter as you were 30-years-old, early 30s or mid-30s. Pacquiao, he fought so many fights for us (Top Rank Boxing); he’s always been a gutty guy, but he’s not the biggest guy in the world,” ani Arum sa panayam ng J Calderon Boxing Talk.

Kung mailalabas aniya ni Thurman ang lakas nito gaya ng kanyang mga nakalipas na laban may dalawang taon na ang nakalilipas, wala aniyang tsansa si Pacquiao na manalo sa laban.

Dahil dito, tiyak na mas magiging determinado si Pacquiao sa training camp upang patunayan sa buong mundo na may ibubuga pa ito.

BOB ARUM KEITH THURMAN VS MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with