Hawak ni Kawhi Leonard ang championship trophy matapos sibakin ang Milwaukee Bucks sa Game 6 ng NBA Eastern Conference Finals.
Raptors tinapos na ang Bucks
(Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2019 - 12:00am

Kakasa sa Warriors sa NBA finals

TORONTO--Kinumpleto ng Raptors ang pagba­ngon mula sa 0-2 pagkakaiwan para sibakin ang Milwaukee Bucks papasok sa NBA Finals.

Tinapos ng Toronto ang kanilang Eastern Confe­rence championship series ng Milwaukee sa pamamagitan ng 100-94 panalo sa Game Six at isara sa 4-2 ang serye nila.

Nagtala si Kawhi Leo­nard ng 27 points at 17 rebounds para pamunuan ang Raptors, sasagupa sa two-time defending champions Golden State Warriors sa Game One ng NBA Finals sa Huwebes.

Bumangon ang grupo ni Leonard mula sa 15-point deficit para dumiretso sa kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos iwanan ng Bucks sa 0-2 sa kanilang serye.

“Just one possession at a time. We kept fighting the whole game,” ani Leonard. “It's still surreal to me right now. But this is what we've been striving for all season. It's not over yet.”

Nag-ambag si Pascal Siakam ng 18 points habang may 17 at 14 markers sina Kyle Lowry at Fred VanVleet, ayon sa pagkakasunod, para sa Toronto.

“It means a lot to me,” ani Lowry. “We beat a really good team in Milwaukee. But I'm not satisfied yet. Our goal is to win the NBA championship.”

Kumamada ang Raptors ng 26-3 atake sa third quarter at sa pagsisimula ng fourth period para patalsikin ang Bucks.

Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 21 points at 11 rebounds para pamunuan ang Milwaukee, ang NBA top team sa regular season.

“We have to get better as a team and get better as individuals,” sabi ni Antetokounmpo. “This is the beginning of a long journey for us.”

Natapos ang pangarap ng Bucks para sa una nilang finals berth sa loob ng 45 taon dahil sa apat na sunod na kamalasan sa serye ng Toronto.

Nag-ambag si Brook Lopez ng 18 points, 9 rebounds at 3 blocks.

MILWAUKEE BUCKS NBA FINALS RAPTORS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with