^

PSN Palaro

Cignal-Ateneo, Valencia-SSCR gusto nang dumiretso sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng Cignal-A­teneo de Manila University at Valencia City Bukidnon-San Sebastian College na masikwat ang unang dalawang tiket sa semis sa pagharap sa magkaibang karibal sa quarterfinals ng 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakatipan ng Blue Eagles ang Far Eastern University sa alas-2 ng hapon habang aarangkada naman ang Golden Harvest sa Chélu Bar and Grill sa alas-4.

Parehong armado ng twice-to-beat ang Cignal-Ateneo at Valencia City-SSCR.

Nanguna ang Blue Eagles sa Aspirants Group matapos makalikom ng walong panalo laban sa isang talo sa eliminasyon.

“Now we’re starting to focus on the team actions and performance. But I don’t have high expectations on how we’ll play. I just want them to do things right and so far we’ve been pretty good,” ani Blue Eagles mentor Tab Baldwin.

Sasandalan ni Baldwin sina Thirdy Ravena, Ivorian big man Angelo Kouame at Isaac Go para maipagpatuloy ang magandang ratsada ng tropa.

Subalit mapapalaban ang Blue Eagles dahil nakasakay ang Tamaraws sa four-game winning streak.

Galing ito sa 74-69 panalo sa Centro Escolar University para magarbong tapusin ang eliminasyon hawak ang 5-4 marka at makuha ang huling tiket sa playoffs sa Foundation Group.

Kukuha ng lakas ang Tamaraws kina Wendell Comboy, Alec Stockton at L-Jay Gonzales sa pag-asang makahirit ng rubber match laban sa Blue Eagles.

Sa kabilang banda, mainit din ang Valencia City-SSCR na mayroon ding 8-1 baraha para masikwat ang No. 1 seed sa Foundation Group.

Handa na ang bataan ni Golden Harvest head coach Egay Macaraya na maki­pagsabayan sa mas beteranong Revellers.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with