Matinding depensa ang ibinigay ni NLEX center Asi Taulava laban kay import Prince Ibeh ng NorthPort.
PBA Images
Anthony bida sa B-Pier
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2019 - 12:00am

Import-Less Road Warriors nalusutan

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Blackwater vs Columbian

6:45 p.m. Meralco vs Ginebra

MANILA, Philippines — Dahil hindi nakumpleto ni balik-import  Tony Mitchell ang kanyang mga papeles ay napilitang maglaro ng All-Filipino ang mga Road Warriors.

Ito ang sinamantala ng NorthPort para paluhurin ang NLEX, 83-79 at dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sinosyohan ng Batang Pier ang Blackwater Elite sa liderato sa magkatulad nilang 2-0 record habang nahulog ang Road Warriors sa 0-2.

“Maganda ang laro ng NLEX kahit walang import,” sabi ni NorthPort veteran forward Sean Anthony, kumolekta ng 17 points at 6 rebounds. “I think we have to give credit to Prince (Ibeh). He is our ring protector.”

Isinara ng Road Warriors ang first half bitbit ang 43-35  abante bago na­agaw ng Batang Pier ang kalamangan sa 78-74 mula sa three-point shot ni guard Nico Elorde sa huling 1:20 minuto ng fourth quarter.

Huling nakatabla ang NLEX sa 79-79 buhat sa dalawang free throws ni guard Kenneth Ighalo sa natitirang 31.8 segundo.

Ang putback at dalawang free throws naman ni Anthony ang tuluyan nang  sumelyo sa panalo ng NorthPort  hawak ang 83-79 bentahe sa nalalabing 1.6 segundo.

Samantala, target ng Blackwater ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pagharap sa Columbian ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco sa alas-6:45 ng gabi sa Big Dome.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP TONY MITCHELL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with